|
There's more to me than meets the eye. -- RINA. ♥
Theme by: Kye Lu. |
Ayoko talaga nagkukumpara pero magkkwento ako dito sa tumblr ko for the sake na mailabas yung nararamdaman ko. Oo, masaya at masarap sa pakiramdam yung dati na may sumusundo at nag-aabang sa akin parati, hindi ko na kailangan pang sabihin. yung automatic na alam ang obligasyon niya bilang boyfriend ko, hindi ko na kailangan pang sabihin. yung ramdam agad pag may maling nagawa at hindi na kailangan pang paalalahanan. yung hindi ako binibigyan ng dahilan para magselos at hindi iniintindi ang ibang babae. oo, ganun yung ex ko. we almost made it. nagkahiwalay lang kami kasi mahirap talaga magkalayo. hindi ko naman pinagsisihan yung pinagsamahan namin kasi naging totoo kami sa isa’t isa. lagi siyang handa makinig sa akin kahit ano sabihin ko, masaya siya pag masaya ako. ngayon naman, sa bago kong relationship, ako yung nagrreach out palagi. pakiramdam ko hindi kami magkikita o magkakasama kung hindi pa ako magiinitiate. nakakasama ng loob minsan kasi ako na lang parati gumagawa ng paraan. tapos ang daming reasons para magalit at magselos kasi minsan na niya akong niloko at ang sakit nun sa part ko sobra. kasi alam kong malandi ako, sige kung yan ang tamang term pero kahit ganon ako, sinisigurado ko munang wala akong tinatamaang tao. pag single ako, matatanggap pa eh. pero pag nasa isang relasyon ako, hinding hindi ko kayang mag entertain ng ibang tao. hindi sa pagmamayabang pero lahat ng naging relationship ko, pangmatagalan. siguro dahil kaya kong maging matatag. pero siya kinaya niyang lokohin ako. kaya hirap ako magtiwala. sa time na babalik na ung trust ko sa kanya, may darating nanaman siyang kalokohan na ikakaduda ko. masakit kaya sa part ko yung ganun. kasi sinuko ko yung ganung buhay tapos siya gagawin niya yun? aray ah. may pakiramdam din ako. masakit rin pag nagkkwento ako tapos ang apathetic niya. kagaya kanina, ikinikwento ko kung gaano ako kasaya sa duty kanina dahil nagpaanak kami. ang daming cases. tapos parang walang pakiramdam ung kausap ko. ayoko na tuloy magkwento sa kanya. ang daming dahilan para bumitaw pero bakit ganun, eto pa rin ako kumakapit. :’( siya pa rin pinipili ko kahit ang daming lalakeng andyan, pero di ko sila pinapansin. hindi ko ipagpapalit buhay ko ngayon para sa kaligayahan ko sa nakaraan ko o sa kahit sinong lalake pa dyan. kasi kahit ganito naman, siya pa rin pinipili ko. sabi nga nila, kahit kailan di magiging patas ang lahat. appreciation & affection lang kailangan ko. wag sanang ipagkait.
Posted on February/17/2012
Tagged as: #ANG SAKIT LANG Originally Posted by: ifitmeansnothing
|